Friday, May 31, 2013

Bolinao, Pangasinan hidden jewel of the North

Anim hanggang pitong oras na byahe mula Maynila papunta sa Bolinao, Pangasinan. Pinakamaganda umalis kayo ng 5am makakarating kayo sakto launch nasa bayan na kayo ng Bolinao at drop by sa mga Sea food restaurant. Recommend ko BOLINAO SEAFOOD GRILL, mura na menu check nyo nlng photo. Libre pa videoke hanggang hinihintay nyo maserve pagkain, iluluto pa yung iba kaya medyo wait kayo 20-25 minutes, pag gutom na talaga tanong mo nlng ako yung ready to serve.















 After kain, byahe pa kayo 30-40 minutes para marating ang Barangay Patar.



After marating namin ang resort kung saan kami


Recommended resort BING BEACH RESORT, wala ako masabi sobrang  maasikaso tao nila dito, pag aircon na nipa hut nila may 2 bed na kasya 8 sa isang room sa baba yung iba pde request ng foam. Shower narin banyo. Medyo hindi lang maganda harap ng beach, kung gusto nyo maganda view punta kayo sa dulo ng Patar maligo. Yun yung pangpublic talaga at maganda lumangoy walang sea weeds at bato na maapakan, dun yung kela KUYA BENJIE resort pero pangit yung paliguan nila dun

Ito yung Nipa hut nila marami room yan, aircon na at may 2 bed. Pick season singil sa amin P2k per  night, tip lang dapat ilocano yung makikiusap pag nagpareserve kasi may tawad pa mabait si Ate Michelle, yung makakausap nyo. Anak ng may-ari. FYI lalaki pala yung BENG. hehe :)


Tamang tamang ang ads nila. MURA NA GOOD SERVICE PA!

Pag natapat kayo Sunday, simba simba rin pag may time. Isa sa pinakalumang simbahan sa buong Pilipinas nsa 400+ yrs old na.

After mass dumaan na kami sa ENCHANTED CAVE nakakabighani ang place ang taas dati daw syang dagat kasi may mga corals nga na malalaki, kaso masyado hindi sulit kasi pagbaba mo, yun na pala yun, may ginawang patubig para may paliguan hindi natural na underground river. Hindi sulit ang P90.00 nagtaas March 21, 2013 due to business losses daw? Yung totoo Manong dahil ba summer taas agad agad dating P50 naging P90 wow daig pa gasolina makapagtaas.

Enjoy nlng picture picture kahit nanghihinayang sa P90 pesos. hehe 
Ito na yung makikita pag baba sa hagdan 

Enjoy nlng sa pagpicture para sulit P90.





After Enchanted cave balik kami sa Bings Resort, dahil nakita ni Ate na may binili kami siniguelas nag offer sya na kung gusto namin pumitas marami silang tanim. At hindi nga kami tumanggi, pinasamahan kami sa kasamahan nilang lalaki at umakyat nga kmi at nagharvest na parang farmville, enjoy sobra bumabalik ako sa pagkabata...hahaha! sarap umakyat sa puno.

Habang nagluluto sila kahit tanghali nagharvest kami ng bunga ng siniguelas.

LUNCH na. Fiesta kung fiesta sa dami ng ulam. Kinuhanan pa kami dahon ng saging kasi naubusan na kami paper plate, pero enjoy kumain at magkamay kayo sabay sabay promise, try nyo.

After kumain pahinga konte at dumiretso na kami sa Bolinao Lighthouse. Ayan napicturan ko na history wag na marami tanong. haha





Maganda magpapicture dito wag lang jump shoot kasi diretso mo bangin.. haha


Pagkatapos sa lighthouse mga 20 minutes pa bago marating ang dulo ng beach na maganda maligo. Dahil ligo lng naman habol namin kay tumingin kami simpleng cottage tawad kayo P150-200 tamang papag lang lalagyan ng gamit and everything.










Bitin ang 3days sa Bolinao, hindi na namin napuntaan mga falls.